TINOLANG TAHONG


Napadaan ako sa Farmers market sa Cubao para tumingin ng isda na pwedeng sabawan.  Ilang araw na din kasi na prito ang ulam namin sa bahay.   hehehehe.    Pero di na ako nakapunta sa mag-iisda dahil nakita ko ang matatabang tahong na naka-tinda sa may bukana ng palengke.  P70 per kilo ang benta at malalaki at matataba ang laman ng tahong.  Nung una, baked tahong ang naisip kong gawing luto kasi nga malalaki nga ang laman.   Pero komo nga may sabaw ang gusto kong lutuin, naisip ko na i-tola na lang ito. 

Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking asawang si Jolly at ang aking mga anak.   Humihirit pa nga.  Hehehehe


TINOLANG TAHONG

Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Tahong (linising mabuti)
3 thumb size Ginger (pitpitin)
1 pc. large Onion (sliced)
Dahon ng sili
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang pinitpit na luya at sibuyas sa tubig (nais na dami ng sabaw) na may konting asin.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2.   Ilagay ang tahong at timplahan ng maggie magic sarap.   Takpan at hayaang maluto o bumuka ang tahong.
3.   Huling ilagay ang dahon ng sili.
4.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarrraaappp!!! Gusto ko yan... especially ngayong binabawasan namin ang pork hehe.
Dennis said…
Thanks J...next ko naman ay baked tahong...hehehehe. Nag-iisip pa lang ako ng toppings na ilalagay ko...heheheh
Anonymous said…
kuya dennis pwede ko po ba ipost ang mga sangkap nyo at kung pano lutuin sa page namin sa facebook ilalagay ko po ang name nyo at kung san kayo pwede subaybayan maraming salamat po sa mga sangkap nyo marami akong natutunan
Dennis said…
Ok lang anonymous as long as nandun yung credit ko o yunfg link ng blog na pinagkuhanan mo. May I know the link of your FB account? Ano din name mo?

Thanks


dEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy