CREAMY PESTO and BACON PASTA
Sa chat pa lang ay nai-promise ko na sa pamangkin ko na ipagluluto ko sila ng espesyal na pasta dishes komo yun na din ang hiling niya. Nababasa din kasi niya ang mga post ko dito sa blog at takam na takam daw ang asawa niya sa mga niluluto ko.
Kaya nitong nakaraang Huwebes Santo ay ipinagluto ko sila nitong Creamy Pesto at bacon pasta na ito. At nakakatuwa naman at nagustuhan ng turista ang aking niluto.
CREAMY PESTO and BACON PASTA
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti pasta (cooked according to package direction)
1 cup Alaska Evaporated Milk
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 kilo Bacon (cut into small pieces)
1 cup grated Cheese
100 grams Fresh Basil Leaves
1 cup Cashew Nuts
1 cup Olive Oil
1 head Garlic (alisin ang balat)
1 head Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. Huwag i-overcooked. Magtabi ng mga 2 cups ng sabaw ng pinaglagaan nito.
2. Sa isang food processor o blender, ilagay ang olive oil, bawang, basil leaves at evaporated milk. I-blender ito hanggang sa maging pesto o puree ang consistency ng sauce.
3. Sa isang sauce pan o non-stick na kawali, i-prito ang bacon hanggang sa lumabas ang sariling mantika nito.
4. Itabi lang ng konti ang bacon sa gilid nga kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
5. Ilagay na ang ginawang pesto at ilagay na din ang All Purpose Cream.
6. Ilagay din ang mga 2 cups ng p[inaglagaan ng pasta
7. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Ilagay na din ang kalhati ng grated cheese.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Patayin ang apoy at ihalo ang pasta sa sauce. Haluing mabuti hanggang ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
Ihain habang mainit pa at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments