ADOBONG BUTO-BUTO
Marami na din akong adobo recipe sa archive. Actually, pare-pareho lang naman ang pagluluto ng adobo, iba-iba lang marahil ang sangkap na ginagamit natin. At habang tumatagal mas lalo pa atang dumarami ang version nito. Hehehehe
Kahit sa kinalakihang bayan ng aking asawang si Jolly sa Batangas, iba ang luto nila ng adobo. Also, ang ina-adobo nila ay yung mabutong part ng baboy. Madalas nila itong handa sa mga espesyal na okasyon kagaya ng mga fiesta at kasalan.
Hindi ko alam kung ano-ano ang mga sangkap na inilalahok nila sa kanilang adobo maging ang pamamaraan ng kanilang pagluluto. Pero isa lang ang masasabi ko sa version nila, masarap talaga at malasa. Kahit nga ang aking asawa ay paborito ito.
Nag-try akong gayahin ang version nilang ito ng adobo. Hindi man malapit sa pinag-gayahan, hindi naman din ito nalalayo sa sarap at lasa.
ADOBONG BUTO-BUTO
Mga Sangkap:
1.5 kilo Buto-buto ng Baboy (spareribs is okay)
1 cup White Vinegar
1 cup Soy Sauce
3 tbsp. Sweet Pickle Relish
2 heads Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Freshly ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang nalinis na buto-buto.
3. Ilagay na din ang suka, toyo, sweet pickle relish, paminta at brown sugar. Takpan at hayaang maluto ang karne hanggang sa lumambot. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Mas masarap kainin ito kung kina bukasan na. Pero kung di makatiis ihain na ito habang mainit pa. Hehehehe.
Enjoy!!!

Comments