BASIL CHICKEN with PEANUTS


Matagal-tagal na din nung unang magluto ako ng dish na ito.   Actually, isa itong Thai dish pero hindi ko na lang inilagay yung word na Thai sa unahan dahil nilagyan ko na din ito ng panibagong twist.

Nilagyan ko ito ng mani to add texture sa kabuuan ng dish.   Alam mo yun?  Yung may crunch habang kinakain mo ito.   Yummy talaga.

Masarap ang dish na ito.   Kakaiba sa pangkaraniwang nakakain sa araw-araw.   Kung baga, para ka na ring kumain sa isang mamahaling Thai restaurant kapag natikman mo ang chicken dish na ito.

Kung titingnan mo parang complikado ang dish na ito.   Pero ang totoo, ang dali-dali lang nitong lutuin at madali lang din hanapin ang mga sangkap.  Kahit beginner na cook ay kayang-kayang gawin ang dish na ito.   Subukan nyo din po.


BASIL CHICKEN with PEANUTS

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on, cut into bite size pieces)
1 cup toasted Peanuts
1/2 pc. Lemon (juice and zest)
25 grams Fresh Sweet Basil Leaves
2 thumb size Ginger (slice)
1 large Onion (slice)
5 cloves minced Garlic
1/2 cup Patis
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Sesame Oil
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang manok ng katas ng lemon, lemon zest, asin at paminta.   Hayaan ito ng mga 30 minuto o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
3.  Isunod na agad ang tinimplahang manok at lagyan ng patis.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4.  Kung nawala na ang pagka-pink ng manok, ilagay na ang oysters sauce, soy sauce at brown sugar.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang fresh basil leaves at toasted peanuts.   Halu-haluin.
7.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce at kasunod ang sesame oil.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ooooo sarap nito! Tamang tama madaming dahon ang aking tanim na basil! Thanks for the idea, kuya!
Dennis said…
Correct J....ang sarap nito. Hoy na-miss kita ha....busy na busy ka ata dyan.....hehehehe

Anonymous said…
ano po an pwedeng alternaive sa basil,,baka d po magsthan ng mga kids ang lasa ng basil,,thanks..
Dennis said…
Hindi na Basil Chicken yun pag pinalitan natin ang basil. Pero spinach ang pwede mong ipalit. Iba na nga lang ang magiging lasa na nun.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy