CALDERETANG BAKA
Ang Beef Caldereta ay kino-konsidera dito sa atin na espesyal na putahe sa hapag man o sa mga handaan. Dahil siguro sa kamahalan ng karne ng baka at sa mga sangkap na inilalahok dito. Isa din ito sa mga putahe na minana natin sa mga kastila, kaya siguro maituturing na pagkain ito ng mga ilustrado o yung mga may kaya.
Marami ding version itong beef calderata kahit saang panig ng ating bansa. Di ba nga sa bayan ng aking asawa sa Batangas ay iba ang pamamaraan at mga sangkap na ginagamit nila? Sa amin sa Bulacan naman minsan ay nilalahukan ng peanut butter para maging mas malinamnam ang sauce. Pero kahit ano pang version itong calderetang ito ay panalo pa din sa panlasa nating mga Pilipino.
Sa version kong ito ng beef caldereta, nilahukan ko ito ng olives at sa halip na tomato sauce, tomato paste ang aking ginamit para sa mas masarap na sauce. Mas maganda din ang naging kulay nito sa dito. I-try nyo din po.
CALDERETANG BAKA
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (cut into cubes)
1 cup Tomato paste
1 cup Olives
1/2 cup Sweet Pickle Relish
2 pcs. Potatoes (cut into wedges)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 pcs. Tomatoes (slice)
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce (more kung gusto nyo na mas maanghang)
2 tbsp. Olive Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang karne sa olive oil. Hanguin sa isang lalagyan .
3. Sa isang heavy bottom na kaserola, igia ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
4. Ilagay na agad ang na-brown na karne ng baka at lagyan ng mga 3 tasang tubig. Takpan at hayaang lumambot ang karne.
5. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang sweet pickle relish, tomato sauce at olives. Hayaan ng mga 5 minuto.
6. Sunod na ilagay ang patatas, carrots at red bell pepper. Timplahan pa ng asin, paminta at chilli-garlic sauce
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Pwede din po ba lagyan ng liver spread itong recipe nyo na ito? thank you po!