HALALAN 2013: Sana piliin natin ang karapat-dapat....
May 13, 2013 haharap na naman tayong mga Pilipino sa isang tungkulin na maaring magpabago, magpaganda, magpahirap ng ating buhay. Ito ang Eleksyon o Halalan ng mga bagong opisyal ng ating gobyerno pang-nasyonal man o lokal.
Sa eleksyon, ito lamang ang pagkakataon sa ating buhay kung saan ang bawat tao ay pantay-pantay lamang ano man ang estado ng kanyang buhay. Ibig kong sabihin, pare-pareho lang tayong tig-iisang boto.
Kaya naman sana, dalangin ko, na sana ay pagisipan nating mabuti ang ating pipiliin sa ating mga balota. Dito nakasalalay ang hinaharap ng ating bansa. Huwag sana tayong padala sa popularidad ng mga kandidato o sa tamis ng kanilang pananalita, kundi sa kakayanan nila na mag-silbi sa ating bayan. Isipin natin, kung tayo ay magkakamali sa ating pipiliin, 3 taon muli ang ating hihintayin para sila mapalitan.
Panghuli, ipagdasal natin na sana ay maging mapayapa at makatotohanan ang kakalabasan ng Halalan 2013 na ito.
Amen.
Comments
3 senator lang ang ibinoto ko...lahat sila ay natalo...okay lang..this is democracy. Infairness kay Nancy Binay kahit hindi ko siya binoto. May alam naman siguro siya sa pilitika. Sa tagal ba naman na naka-upo ang kanyang ama, ina at kapatid, alam niya kung ano ang problema ng mga ordinaryong Pilipino. I hope and I pray na makagawa siya ng batas na totoong makakatulong hindi lamang sa mahihirap kundi sa lahat ng mga Pilipino.
There is still hope for our dear country The Philippines.... nasa sa atin na yun kung ano ang ating maitutulong.
Mabuhay ang Pilipinas!!!!
Dennis
yes its true..there is no place like home tlga..
thank u.God bless