I.T. TEAM BUILDING DAY

Last Saturday May 4, nagkaroon kami ng Team Building Day ang aming departamento sa Megaworld sa isang lugar sa Antipolo City.   Ang pangalan ng lugar ay Philip's Sanctuary.

Isa itong lugar na tamang-tamang pagdausan ng team building seminar dahil kompleto ito sa pasilidad at talaga naman kaaya-aya ang paligid.

Mga pasado 8:30am na kami nakadating sa lugar.   May mga nauna na nga na participants na mula naman sa ibang kumpanya.   Pagdating namin, sinalubong kami ng magiging facilitator namin at sandali lang naming inayos muna ang aming mga gamit at nagsimula na agad.

Nagbigay muna ng mga instructions at rules ang facilitator.   Hinati din kami sa dalawang grupo dahil parang team challenges ang aming mga gagawin sa araw na yun.

Nauna na ang group cheering.   Nag-practice kami sandali para makabuo ng isang maganda cheer.

Sumunod naman ang picture me challenge.   Sa activity na ito, magsasabi lang ng isang tagpo ang facilitator ang iaarte naman naming lahat kung ano ito.

Marami pang mga challenges ang pinagawa sa amin at isa sa mga nahirapan ako ay itong pagtawid sa isang wire na naka-hawak ka lang sa isang lubid.  Kapag nagkamali ka at nawalan ka ng balanse dito mahuhulog ka sa tubig na mababaw naman.

Enjoy din naman ako sa hanging bridge kahit may takot akong nararamdaman.  hehehehe

Ito ang isa pa sa mga challenges na nahirapan kami.   Idadaan ang bawat miyembro ng grupo sa butas na yun nang hindi sumasanggi ang ano mang parte ng katawan.   Natalo kami sa challenge na ito.  hehehe

Next ay itong 10 feet wall na ito na kailangan naming akyatin sa tulong ng isat-isa.   Hindi ko akalain na n aakyat ko ito ng ganun kabilis.  hehehehe.   Kami ang nanalo naman sa challenge na ito.

Ang pict sa itaas ang buong IT group na kasama namin sa tema building na ito.

Mag-12 noon na ng kami ay kumain ng tanghalian.   Nagsalo kami sa lechong manok, chicken pork adobo at manggang hilaw na may bagoong.   Yummy!!!  Busog kaming lahat sa aming pananghalian.

Sandaling pahinga lang at naglublob kami sandali sa pool para malamigan at ma-relax.   Enjoy ang lahat dito kasi biglang umulan ng malakas habang naliligo kami.

Second to the last challenge ay itong High Rope.   Pitong magkakaibang tulay ang aming dadaanan na talaga namang nahirapan ako.   Sa U rope ako talagang nahirapan.  kasi parang nai-split ang legs mo habang tumatawid ka.
Last ay itong short zip line.   Nakangiti na ako dito dahil nalampasan ko ang 7 tulay na dapat kong tawirin.    hehehe.

Ang mahabang zip line ang nagustuhan ko talaga.   Naka-superman position ang karamihang ginawa namin at para ka talagang lumilipad dito.   hehehe.

4pm ay natapos ang lahat ng activities.   Talo ang group namin pero masaya kami dahil nalampasan namin ang mga challenges at walang disgrasya na nagyari sa aming lahat.

5pm ng lisanin namin ang lugar baon ang aming natutunan na sa isang organisasyon o grupo ay kailangan ng pagkakaisa para magawa ang mga bagay.

Sa next year ulit....hehehehe

Comments

cris said…
wow sir dennis ok dyanan sa philipps, una kami pumunta dyan wala pa pool. babalik kami dyan sa August this year. super sulit dyan.

salamat nga pala sa mga easy to follow recipes. i enjoyed your page and your "taste" sa pagluluto. simple at hinde kumlikado.
Dennis said…
Thanks Cris....Yup ok nga sa Phillipis...at ang dami pang ginagawa ngayon na improvements. Tamang-tama talaga sa mga team building activities.

Salamat din sa iyo sa iyong pabsumbayabay sa mga recipes na pino-post ko d2. Yun naman talaga ang objective ko, ang makatulong at mai-share ang alam ko sa pagluluto.

Regards,


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy