MIXED VEGETABLES with WINGS = (CHOPSUEY)
May nabili akong 1 kilong chicken lollipop sa SM supermarket sa Makati. Natuwa kong bumili nito komo ang ganda ng pagka-cut niya at wala na yung parte na dulo ng pakpak. Binili ko ito nung time na yun pero wala pa akong idea kung anong luto ang gagawin ko. Ano pa ba ang lutong pwedng gawin dito kundi i-prito. Kaya lang, parang prito lang ang ulam namin nitong nakaraang araw kay nag-isip ako ng iba pang option.
May nakita pa akong sayote, carrots, celery, leeks at red bell pepper sa fridge. Dapat sana magluluto ako ng pancit canton. Kaso naisip ko na lang na isahog ito sa chicken lollipop nga para maging chopsuey. At yun na nga ang nangyari, chopsuey na mas marami pa ata ang sahog na manok. Hehehehehe. Okay lang masarap naman ang kinalabasan.
MIXED VEGETABLES with WINGS (CHOPSUEY)
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Lollipop
1 large Carrot (cut into desired size and shape)
1 pc. Sayote (cut into desired size and shape)
1 large Red Bell Pepper (cut into desired size and shape)
2 tangkay Celery
1 tangkay na Leeks
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang wok o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Isunod na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3. Ilagay ang carrots at sayote. Lagyan ng kalhating tasang tubig at takpan muli.
4. Sunod ang ilagay ang red bell pepper at celery. Ilagay na din ang oyster sauce at brown sugar. Hayaan pa ng ilang minuto.
5. Ilagay ang tinunanaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang leeks.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments