SWEET CHILI HONEY WINGS
Mahilig ba kayong kumain ng Buffalo Chicken Wings? Ito yung fried chicken wings na coated ng spicy na sauce. Marami na ding mga resto ang nag-o-offer nito at depende kung gaano ka-spicy ang gusto mong kainin.
Nitong isang araw, naisipan kong magluto not exactly itong buffalo chicken wings. Basta fried chicken wings, pero di ko pa alam kung anong sauce ang ilalagay. ko. Wala akong ginaya na recipe para sa sauce basta pinagsama-sama ko na lang yung bottled sweet-chili sauce, pure honey bee at chili garlic sauce. Ayun natumbok ko ang tamang lasa at sarap ng chicken wings na ito na may honey-chili sauce na glaze. Ang mainam pala dito, pwede mong i-adjust sa sarili mo yung anghang na gusto mo. O di ba? Buffalo Wings na lutong bahay. Try it!
SWEET CHILI HONEY WINGS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
1 pc. Lemon (juice, zest)
1 cup Cornstarch
1 cup Flour
Salt and pepper to taste
For the glaze:
1 cup Sweet Chili Sauce (bottled)
1 tsp. Chili Garlic Sauce
1/2 cup Pure Honey Bee
1/2 cup Water
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang mga pakpak ng manok ng asin, paminta, katas at zest ng lemon. Hayaan ng 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Sa isang plastic bag ilagay ang mga minarinate na pakpak ng manok, harina at cornstarch. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng piraso.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
4. For the glaze: Sa isang kawali, ilagay ang lahat ng mga sangkap para sa glaze. halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Ilagaya sa sauce ang piniritong pakpak ng manok at halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na piraso.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Salamat po sa pag-bisita sa blog kong ito.
Dennis