SISIG FLAVORED ROASTED CHICKEN LEGS
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong mag-experiment at maging matapang sa aking mga niluluto. Yes, matapang kasi dalawa lang naman talaga ang magiging resulta ng iyong experiment, masarap at wala lang. hehehehe. Matapang dahil maaring masayang lang ang mga sangkap mo kung hindi makain ang finished product. hehehehe. At marami sa naguumpisa pa lang na cook ang may takot na ganito.
Pero para sa akin, ang pag-experiment o pagsubok sa mga bagong sangkap man o pamamaraan ng pagluluto ang best learning experience ng bawat cook. Dito tayo natututo.
Katulad nitong dish natin for today. Wala akong maisip na luto sa 10 pcs. na chicken legs na nabili ko nitong huling pag-grocery namin. Hanggang sa makita ko itong Mama Sitas Sisig Mixes na ilang linggo na ding naka-tengga sa aking lalagyan. Balak ko sanang magluto ng sisig gamit ito na sa hindi malamang dahilan ay di matuloy-tuloy.
So yun nga ang ginawa ko, ginawa kong marinade mix itong Mama Sita na ito at wagi ang kinalabasan. I-try nyo din po.
SISIG FLAVORED ROASTED CHICKEN LEGS
Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Legs
1 sachet Mama Sita's Sisig Mixes
1/2 cup Water
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Iwaan ang paligid na parte ng chicken legs.
2. Timplahan ito ng asin at paminta.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang Mama Sita's Sisig Mixes at 1/2 na tubig. Haluin mabuti.
4. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang lahat ng manok at ihalo ang ginawang marinade mix. Ibabad ito ng mga 1 hanggang 2 oras. Overnight mas mainam.
5. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees hanggang sa pumula ang balat at maluto ang magkabilang side.
Ihain habang mainit pa na may sawsawang calamansi at toyo sa side.
Enjoy!!!
Comments