FRIED TULINGAN with BLACK BEANS and OYSTER SAUCE

Hindi ko alam itong isdang tulingan.  Wala kasi nito sa amin sa Bulacan nong araw.  Nalaman ko lang ito nung makapag-asawa ako ng Batangena.   Marami kasing isdang ito sa Batangas.   Paborito nila itong isaing na may tuyong kamyas.   Niluluto nila ito sa palayok hanggang sa mag-patis ang pinakasabaw nito.   Nagustuhan ko ito kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto din ako nito sa bahay.

Hindi ko alam kung may iba pang luto dito ang mga taga Batangas.   Kaya para maiba naman, naisipan kong lutuin ito na parang escabeche na may oyster at black bean sauce.   Masarap.   Lalo na nung mababad na sa sauce ang piniritong isda.  Try nyo din po.


FRIED TULINGAN with BLACK BEANS and OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Tulingan (hiwain sa dalawa)
2 tbsp. Black Bean Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 pc. Carrot (cut into strips)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang tulingan ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.
3.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4.   Ilagay na agad ang black bean sauce, oyster sauce, soy sauce at hiniwang carrots.
5.   Timplahan ng brown at ilagay na din ang tinunaw na cornstarch.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang sesame oil at ibalik ang piniritong isda sa ginawang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy