ANTON'S 11th BIRTHDAY

Birthday ng bunso kong anak na si Anton today August 8.   Simula nung ipinanganak siya, ipinaghahanda ko siya kahit papaano ng pagkaing gusto niya.   Lahat kami sa pamilya ang ganun ang ginagawa ko.   Di ba nakaugalian na natin na dapat ay may noodles pag mayroong may birthday?

Komo simpleng araw natapat itong birthday niya, at pare-pareho kaming mga pasok sa work, naisipan naming mag-asawa na sa breakfast na lang daw ako mag-luto para sa may birthday.   Kaya eto mukha kaming lahat na bagong gising.   Ay...sila lang pala, kasi as early as 3:00am ay gising na ako para magluto.   Dapat kasi 4:30 ay nakaluto na ako at gigisingin ko na sila para hindi sila maiwan ng school bus.
 
 Dalawang dishes lang ang niluto ko.   Spaghetti na may giniling na baboy at hungarian sausages at chicken fingers.   Bumili din ng cake ang asawa kong si Jolly na lagi din niyang ginagawa basta mayroong may birthday sa pamilya.

Nakakatawa kasi mukhang bagong gising kaming lahat sa mga picture namin.   Hehehehehe.   Ganun pa man, bakas sa mukha ng anak kong si Anton ang kaligayahan kahit sa simpleng handa na aming ginawa para sa kanya.

Dalangin ko sa Diyos na sana ay makapagdiwang pa kami ng marami pang karawan ang anak kong si Anton.   Sana kahit malalaki na sila o may pamilya nang sarili ay makasama pa rin namin siya sa kanyang kaarawan.   Dalangin ko din na sana ay patnubayan siya sa araw-araw lalo na s pagpasok niya sa paaralan.   Mabuting kalusugan at malayo sa kapahamakan ang lagi kong dalangin para sa kanila.   Lumaki nawa siya na mabuting tao at may pagmamahal sa Diyos.   Amen

Next year po ulit :)

Dennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy