BRAISED then BROILED BABY BACK RIBS


Ito ang isa pa sa inihanda ko sa birthday ng anak kong si James nitong nakaraang August 19.   Braised then Broiled Baby back ribs.   Ang asawa kong si Jolly ang nag-request nito.   Kahit medyo may kamahalan ang parte na ito ng baboy, ay ok lang para sa may birthday at sa nag-request.   hehehe

Dalawang pamamaraan ng pagluluto ang ginawa ko dito.   Braise muna at sa ka ko isinalang sa turbo broiler.  Ang sarap ng kinalabasan dahil malambot na malambot ang karne at malasang malasa yung flavor.   Try nyo din po.


BRAISED then BROILED BABY BACK RBIS

Mga Sangkap:
about 1.5 kilo Baby Back Ribs
1 cup Barbeque Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp ground black pepper
2 tbsp. Brown Sugar
1 cup Water
1 head minced Garlic
1 pc. Star Anise
1 tbsp. Salt
1 tbsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cornstarch.
2.  Pakuluan ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung natutuyan na ang sauce.
3.   Kung palambot na, hanguin ang baby back ribs at isalang naman sa turbo broiler.   Lutuin ito hanggang sa medyo pumula lang.
4.   For the sause o glaxe, pakuluan muli ang pinagpalambutan sa ribs at lagyan ng tinunaw na cornstarch.   Tikman ang saue at i-adjsut ang lasa.
5.   Ipahid ang sauce sa nilutong ribs.

I-slice habang medyo mainit pa kasama ang ginawang sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy