CHICKEN FILLET and MIXED VEGETABLES in CREAMY CURRY SAUCE
Itong yung dish na niluto ko nung magtapos ang Ramadan few weeks back. Yes. Muslim inspired ang dish na ito. Di ba madidilaw ang mga pagkain nila at madalas ay may mga spices kagaya ng curry powder?
Actually, by accident din ang kinalabasan ng dish na ito. Dapat sana creamy chicken wit miced vegetables siya na may quail eggs. Kaso hindi ako nakabili ng itlog. Ngayon, nung niluluto ko na ito nakita ko yung bote ng curry powder. Naisip ko lang....mas masarap siguro kung lalagayan ko nito. Kaya ayun, isang masarap na curry dish ang nagawa ko.
CHICKEN FILLET and MIXED VEGETABLES in CREAMY CURRY SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (cut into cubes)
300 grams Mixed Vegetables (Corn, Carrots, Green Peas)
2 pcs. large Potatoes (cut into cubes)
2 tbsp. Curry Powder
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1 large Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
2 thumb size Ginger (cut into strips)
Salt and pepper to taste
1/2 cup Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin..
2. Ilagay na ang hiniwang manok at timplahan na din ng asin at paminta.
3. Ilagay na din ang patatas at curry powder. Halu-haluin. Hayaan ng mga 2 minuto.
4. Ilagay ang mixed vegetables at hayaan ng 1 minuto.
5. Huling ilagay ang all purpose cream at magie magic sarap.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments