CRISPY CHICKEN FILLET with LEMON BUTTER SAUCE



Ang dami nang nagsulputan na fastfood chain na nag-se-serve ng chicken na may glaze na o kaya naman ay may mga kasamang dip na may iba-iba ding flavor.   Actually, ilan pa din lang ang natitikman ko at isa sa mga observation ko ay walang lasa ang pinak-chicken niya.  Sasarap lang yung chicken kapag sinamahan mo na ng mga sauces na ito o flavoring.   Kagaya nitong isang sikat na pizza parlor, walang lasa talaga yung chicken nila pero pag nabalutan na nung sauce ayun nagkakalasa na.

Ibahin nyo itong crispy chicken fillet ko na ito.   Kahit walang sauce may lasa pa rin at masarap, lalo na kung bagong luto at medyo mainit pa.   Pero syempre, kung gusto nyo naman ng may sauce, ok din itong lemon butter sauce na ginawa ko.   Try nyo din po.


CRISPY CHICKEN FILLET with LEMON BUTTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces)
1 pc. Lemon
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
5 cloves minced Garlic
1 thumb size Ginger (grated)
1 medium size Onion (chopped)
1 tsp. Cornstarch
1/2 cup Butter
1 tbsp. White Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang chicken fillet ng asin, paminta, katas ng 1/2 na lemon at 1/2 tsp. lemon zest o yung ginadgad na balat ng lemon.   I-marinade ito overnight.
2.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang minarinade na manok at ilagay ang harina at cornstarch.   Isara ang plastic bag at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at ma-golden brown ang kulay.
4.   Alisin ang mantika sa kawali at ilagay naman ang butter.
5.  Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
6.   Ilagay na ang 1/2 pa na katas ng lemon.   Timplahan na din ang asin, paminta at white sugar.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch at halu-haluin.
9.   Ilagay sa ginawang sauce ang piniritong chicken fillet.   Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng piraso ng manok.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy