CRISPY TAWILIS

Itong isdang Tawilis ang masasabi nating talagang small but terrible.   Ang liit lang kasi niya pero malasang-malasa ang kanyang laman.

Hindi ako mahilig sa isda lalo na kung ito ay maliliit.   Pero exemption siguro dito ang tawilis.   Masarap kasi siya kahit maliit lang.   Dalawang luto lang ang alam kong gawin sa isdang ito.  I-prito at isaing na parang ginagawa ng mga Batangueno.

Sa post kong ito, ang ibabahagi ko ay kung papaano natin maluluto o mapi-prito ang isdang ito na crispy na crispy talaga.   Mula nung mag-blog ako, natutunan ko din na mag-experiment sa mga sangkap na ginagamit ko para mas lalo pa itong ma-improve at mapasarap pa.   Kagaya nga nitong kung papaano pa mapapa-crispy ang isda na kagay nito.   Ito ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng rice flour sa halip na ordinary flour.   Ang harina kasi kapag tumagal na ang pag-prito, lumalata na ito o lumalambot lalo na pag nahanginan.   Pero ang rice flour, mas matagal ang pagka-crispy kahit mahanginan na.   Try nyo din po.


CRISPY TAWILIS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Isdang Tawilis (linising mabuti)
1 cup Rice Flour
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taaste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang zip block o plastic bag, paghaluin ang rice flour, asin, paminta at maggie magic sarap.     Haluing mabuti.
2.   Ilagay dito ang isdang tawilis....lagyan ng konting hangin ang loob ng plastic bag....isara at alu-alugin ito para ma-coat ng breadings ang lahat ng mga isda.  Hayaan muna ng ilang minuto bago i-prito.
3.   I-prito ito by batch ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4.  Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo, calamansi at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy