KAPAMPANGAN CHICKEN ASADO
Kapit-probinsya lang ng Bulacan ang Pampanga kaya naman marami sa mga specialty dishes dito ay halos magkakapareho. Alam naman natin na basta lutong kapampangan ay masarap talaga kaya naman ito rin marahil ang nakuha ng mga Bulakenyo sa kanila.
Isa sa mga dish na kilalang-kilala sa mga kapampangan at bulakenyo ay itong chicken asado. Para din lang itong adobo pero hindi suka ang ginagamit ditong pang-asim kundi calamansi at tomato sauce. Simple lang ito pero masarap.
KAPAMPANGAN CHICKEN ASADO
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1/4 cup Katas ng Calamansi
1-1/2 cup Tomato Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
2 pcs. medium size Potatoes (quartered)
2 pcs. Dried Laurel Leaves
1/4 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3. Ilagay na agad ang manok at laurel at hayaang masangkutsa ng mga limang minuto
4. Ilagay na ang toyo at katas ng calamansi. Lagyan na din ng kaunting tubig at takpan.
5. Ilagay na ang patatas at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Regards,
Dennis
Regards,
Dennis