MAQUESONG LUMPIANG SHANGHAI
Nag-attend kami ng aking pamilya ng isang birthday sa isang restaurant sa SM Megamall. At habang naglalakad kami, patingin-tingin ako sa mga resto na nandun at dun sa mga menu na naka-display sa may pintuan nila. Napukaw ng aking pansin itong Maquesong Lumpiang Shanghai na nakalagay sa menu nila. Sabi ko sa sarili ko, gagawa din ako ng ganyan. Hehehehe.
Hindi ako mahilig sa Lumpiang Shanghai pero sa isang ito talaga namang nagustuhan ko ang lasa at timpla. Ma-pangulam man o papapakin lang ay winner talaga itong lumpiang ito. And for sure, gagawa uli ako nito sa mga daraing pang mga araw. Masarap talaga.
MAQUESONG LUMPIANG SHANGHAI
Mag Sangkap:
1/2 kilo Lean Ground Pork
1 large Red Bell Pepper (cut into small cubes)
3/4 bar Cheddar Cheese (grated)
1 large White Onion (chopped)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
35 pcs. Lumpia Wrapper (square)
Cooking Oil for frying
1 pc. Egg (beaten)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban lang sa lumpia wrapper, cooking oil at binating itlog. Hayaan ng ilang sandali para ma-absorb ng giniling na baboy ang flavor ng iba pang mga sangkap.
2. Maglagay ng nais na dami na palaman sa lumpia wrapper. Pahiran ng binating itlog ang dulo na part ng wrapper at saka-i-roll o balutin.
3. I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika sa tamang lakas ng apoy hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet-chili sauce.
Enjoy!!!!
Comments