MINATAMIS na SABA at SAGO na may GATA

Mahilig ako sa mga pagkaing may gata kahit hindi ako Bicolano.   Hehehehe.   Kahit kalahok sa pang-ulam o kaya naman ay sa mga kakanin o dessert, winner sa akin ang mga ito.   Yung ngang ginataang kalabasa at sitaw ay gustong-gusto ko kahit siguro araw-araw kong ulam ay okay lang.   hehehehehe

Kaya naman naisipan kong gumawa nitong minatamis na saging na saba at sago na nilahukan ko din ng gata ng niyog.   Talagang wonders ang nagagawa ng gata ng niyog sa ating mga lutuin.   Masarap at nagustuhan ko talaga ng aking mga anak ang dessert na ito.   Subukan nyo din po.



MINATAMIS na SABA at SAGO na may GATA

Mga Sangkap:
15 pcs. Saging na Saba (cut into half)
1/2 kilo Cooked Sago
3 cup Kakang Gata
White Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tama lang na dami ng tubig.   Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
2.   Sunod na ilagay ang asukal.   Hayaang kumulo ng 15 minuto pa.
3.   Sunod na ilagay ang sago.   Hayaan muling kumulo ng mga 5 minuto.
4.  Huling ilagay ang kakang gata.   Hintaying kumulo saka patayin ang apoy.

Palamigin muna bago kainin.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy