PARMESAN BREADED PORK CHOPS
May nabili akong 1 kilo ng Pork Butterfly nitong huli naming pag-go-grocery. Ang Pork Butterfly ay yung cut ng baboy na parang porkchops (walang buto) na hiniwaan sa gitna na parang hugis paru-paru. Gusto ko ang cut na ito komo walang kasamang buto at balat ng baboy. Konti din lang ang taba nito.
Nung binili ko ito hindi ko pa alam kung anong luto ang aking gagawin. Until makita ko itong recipe ng parmesan Breaded Pork chops sa Yummy.ph na site. Tamang-tama kako at mayroon pa din naman akong natitirang parmesan cheese sa bahay. Hindi ko sinunod yung recipe na nasa site. Ginamit ko lang siyang guide at gumawa ako ng sarili kong recipe. At hindi ako nabigo, masarap ang kinalabasan ng fried porkchops ko na ito. Try nyo din po.
PARMESAN BREADED PORK CHOPS
Mga Sangkap:
10 pcs. Pork chops
5 pcs. Calamansi or 1/2 Lemon
1/2 cup Parmesan Cheese
1 pc. Egg (beaten)
1 tbsp. Flour
2 tbsp. Water
Salt and pepper to taste
3 cups Japanese Bread crumbs
Cooking oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinate ang porkchops sa asin, paminta at katas ng calamansi o lemon. Hayaan ng ilang sandali. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bowl paghaluin ang binating itlog, harina, tubig at parmesan cheese. Batihin muli ito ng mabuti para makagawa ng parang batter.
3. Ilubog dito ang bawat piraso ng pork chops at saka igulong sa Japanese breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan at ilagay sa freezer ng mga 5 minuto.
4. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang paborito nyong sawsawan.
Enjoy!!!!
Comments