PINATISANG PRITONG MANOK


Dalawang dish lang ang hiniling sa akin ng anak kong si James para sa kanyang kaarawan.  Yung No bake Lasagna nga at itong crispy fried chicken.

Hindi ako gumamit nung mga available na fried chicken breadings na available sa market.   Gumamit lang ako ng mga ordinaryong sangkap na makikita natin sa ating mga kusina.   So masasabi kong ang fried chicken na ito ang pinaka-simple pero masarap kong nagawa.   Crispy at juicy pa rin ang laman ng manok.   Try nyo din po.


PINATISANG PRITONG MANOK

Mga Sangkap:
1 Whole Chicken (cut into serving pieces)
1/2 cup Purong Patis
10 pcs. Calamansi
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1 cup Cornstarch
1 cup Flour
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang plastic bag o zip block, i-marinate ang manok sa patis, katas ng kalamansi at paminta.   isama na din ang balat ng calamansi.  Isarado ang plastic bag at paikot-ikutin ito para ma-marinate ang lahat na piraso ng manok.   Gawin ito from time to time sa loob ng mga 15 minuto o higit pa.
2.   Sa isa pang plastic bag, isalin ang manok.   Hindi kasama ang marinade mix.   Ilagay ang cornstarch at harina.   Isara ang plastic bag at alu-alugin ito ha nggang sa ma-coat ng breadings ang lahat na piraso ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika sa katamtamang init ng apoy hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup o gravy.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
i had try this one ...ang sarap..thank u sa recipe.God bless

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy