PININYAHANG MANOK


Hindi na iba sa atin ang paglalagay ng prutas sa ating mga lutuing ulam.   The most common ay itong pinya.  Pero na-try ko na din na mag-lagay ng oranges, strawberry, mansanas at iba pa.   Ang maganda dito, nagkakaroon ng fruity flavor ang ating mga lutuin at nakakadagdag ng sarap sa kabuuan.   Pwede tayong gumamit ng fresh na prutas o kahit yung nasa lata.

For this dish, yung nasa lata ang ginamit ko.  Mahirap din kasing maka-hanap ng pinya na matamis.   Okay din naman itong nasa lata at magagamit yung syrup nito para magpalasa pa sa sauce ng dish.

Madali lang po itong lutuin, kahit siguro beginners sa pagluluto ay magagawa ito.   Try nyo din po.


PININYAHANG MANOK.

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumstick
1 can Pineapple Chunk
1 small can Alaska Evap (yung red label)
1 large Potato (cut into cubes)
1 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang manok.   Hayann ng ilang sandali.
2.  Sa isang non-stick na kaserola o kawali, i-brown ng bahagya ang manok.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.  Sa parehong lutuan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4.   Ilagay ang manok, patatas at  ang syrup ng pineapple chunk.   Takpan at hayaan ng mga limang minuto o hanggang maluto ang manok at patatas.
5.   Ilagay na ang alaska evap.   Hayaan ng mga 2 minuto.
6.  Huling ilagay ang pineapple chunk at 1 tsp. sugar..  
7.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy