PORK BINAGOONGAN na may GATA


The last time na nakauwi ako sa amin sa Bocaue, Bulacan, nabigyan ako ng bagoong alamang (hindi pa guisado) ng aking Ate Mary Ann.  Nailuto ko na din ito na  may kasamang taba ng baboy mula dun sa baby back ribs na niluto ko nung birthday ng aking anak na si James.   Ang sarap nangpagkaluto ko nito at tamang-tama kamo sa binagoongang baboy na matagal-tagal na din gustong-gusto kong iluto.

At natuloy na din nitong isang araw ang aking plano.   Nagluto nga ako nitong binagoongang baboy at nilahukan ko pa ng gata ng niyog para mas maging masarap pa.   Winner talaga.   Tamang-tama lang yung alat at linamnam nung gata.   Subukan nyo din po.


PORK BINAGOONGAN na may GATA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or Pigue (cut into cubes)
1/2 cup or more Bagoong Alamang
250 grams or more Taba ng Baboy
3 pcs. Talong (sliced)
5 pcs. Siling pang-sigang
2 cups Kakang Gata

1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola,  ilagay ang taba ng baboy at lagyan ng kaunting asin at tubig.   Takpan at hayaang magmantika ang taba.
2.   Kapag nakalabas na ang taba ng baboy o nagmantika na  i-prito ang talong hanggang sa pumula lang ng bahagya at maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong lutuan, igisa ang bawang at sibuyas at isunod na din ang karne ng baboy.   Hayaang ma-prito ng bahagya bago lagyan ng tubig.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang bagoong alamang at siling pang-sigang.   Takpan muli at hayaan ng mga 5 minuto.
5.   Ilagay na ang gata ng niyog.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang piniritong talong..takpan at saka patayin ang apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy