PATA KARE-KARE
Isa sa mga paborito kong ulam ay itong kare-kare. Mapa-pork, baka, chicken, o twalya man ay gustong-gusto ko ito. Basta may ganito sa mga handaan o kainan, paniguradong ito ang aking unang kukuhanin. Lalo na kung winner ang bagoong alamang na kasama nito? winner talaga. Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.
Dati, it's a challenge ang pagluluto ng kare-kare. Kaya nga kino-konsidera na special dish ito. Pero ngayon ay hindi na. May mga available na kasing kare-kare mix sa market na pwede mong gamitin. Ofcourse iba pa rin yung original na recipe. Pero bakit natin pahihirapan ang sarili natin kung pwede naman ang ganito.
This time Del Monte Kare-kare Mix ang ginamit ko. (Free advertisement ito ha...hehehe). Okay din naman siya. Malapit naman talaga sa original na recipe. Basta ang tatandaan lang natin sa ating kare-kare ay ang good quality na bagoong. Kapag di masarap ang bagoong, di din sasarap ang kare-kare nyo. Tried and tested na po yan.
PATA KARE-KARE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Pata (sliced)
1 tetra pack Del Monte Kare-kare Mix
Pechay Tagalog
Talong
Sitaw
Puso ng Saging
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Bagoong Alamang (sweet or spicy flavor)
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pata ng baboy sa isang kaserolang may tubig at asin hanggang sa lumambot ito.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Ilagay na agad ang inilagang pata ng baboy at samahan ng mga 3 cups ng sabaw na pinaglagaan nito.
4. Ilagay na din ang puso ng saging, sitaw at kare-kare mix at timplahan ng konting asin at paminta. Hayaang maluto ang gulay.
5. Ilagay na din ang talong at halfway na maluto ito ay ilagay na din ang pechay.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa kasama ang bagoong alamang.
Enjoy!!!!
Comments