BEEF STEW in 3 CHEESE SPAGHETTI SAUCE
Kung titingnan natin ang picture ng dish na ito, masasabi nating ordinaryong beef mechado lang ito. Pero kapag nalasahan mo na, masasabi mong hindi ito basta-basta mechado na dish. Bakit naman? Ang ginamit ko kasi ay hindi ordinaryong tomato sauce kundi spaghetti sauce na may 3 cheese na flavor. Yes. Spaghetti Sauce. Hindi naman kasi dapat limitado ang mga sangkap na gagamitin sa kung ano lang ang nakagisnan o nakasanayan. Minsan mainam din na lagyan natin ng twist ang ating mga lutuin.
Actually, napakadali lang lutuin ang dish na ito. Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay magagawa ito. Ang importante kasi dito ay yung spaghetti sauce na gagamitin. Pwede din gamitin yung iba pang flavor ng spaghetti sauce. Nakakatuwa nga kasi yung lasa ng spaghetti ang nalasahan ng bunso kong anak na si Anton nung inuulam na niya ito. I think pwede din na gawing sauce ito sa pasta. Try din natin.
BEEF STEW in 3 CHEESE SPAGHETTI SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Camto (cut into cubes)
1 tetra pack Clara Ole 3 Cheese Spaghetti Sauce
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Potato (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2. Ilagay na din agad ang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta.
3. Lagyan na din toyo at mga dalawang tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper at 3 cheese spaghetti sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas. Hinaan na lamang ang apoy
5. Tikman anag sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments