BICOL EXPRESS - My Own Version
Ang Bicol Express ay isang pork dish na kilalang-kilala sa Bicol Region. Kagaya ng mga pagkaing luto dito, mayroon itong gata ng niyog at ang paborito ng mga Bicolano na sili. Hindi ko alam kung saan nag-origin ang dish na ito. Pero isa lang ang masasabi ko, masarapa talaga ang dish na ito.
Hindi ako madalas magluto nito sa bahay komo medyo maanghang. Baka kako hindi makain ng mga bata. Until mabasa ko itong isang article kung papaano mabawasan ang anghang ng sili. Ang ginagawa lang pala ay alisin yung buto nito sa loob. Dahil dito, hindi masyadong maanghang at tama-tama lang ito sa bibig. Kahit nga ang mga anak ko ay nakain ito. Try nyo din po.
BICOL EXPRESS - My Own Version
Mga Sangkap:
1 kilo Skinless Pork Liempo (yung may buto ng konti, cut into cubes)
2 cups Kakang Gata
6 pcs. Siling Pang-sigang (alisin yung buto at hiwain yung 3 piraso)
1 tbps. Bagoong Alamang
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang pork liempo sa 2 tasang tubig na may asin hanggang sa lumambot at mawala na ang pinaka-sabaw nito. Pwedeng lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
2. Kung nawala na ang pinaka-sabaw nito, lagyan ng mantika at hayaang ma-brown ng bahagya ang karne.
3. Sunod na igisa ang bawang at sibuyas at ilagay ang bagoong alamang at hiniwang siling pang-sigang. lagyan din ng 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaan ng ilang minuto.
4. Ilagay na ang kakang gata at timplahan ng maggie magic sarap at kaunting asin at paminta.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments