CHEESE & CORNED PORK STUFFED BANGUS


Marami na rin akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito.   At lahat naman ay masasabing kong masarap ang kinalabasan.   Ang mainam kasi sa isdang bangus na ito, kahit ano ang ipalaman mo ay ok pa din.  Basta ang gagamitin lang natin ay yung malasa na mga sangkap.

Kagaya nitong bago kong version.   Corned pork, cheese at butter ang aking inilagay.   Ofcourse may kasama pa ding kamatis at sibuyas.   Papaanong hindi magiging masarap ito?  Di ba?   Try nyo din po at tiyak kong magugustuhan din ninyo ito.


CHEESE & CORNED PORK STUFFED BANGUS

Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Boneless Bangus
6 pcs. large Tomatoes (cut into small pieces)
1 large White Onion (chopped)
1 cup Pork or Corned Beef (guisado na)
1 cup Cheese (grated)
1 cup Butter (grated)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap ang bawat piraso ng boneless bangus.   Hayaan ng ilang sandali
2.   Sa isang bowl paghaluin ang kamatis, sibuyas, guisadong pork or corned beef, grated cheese at butter.   Haluin mabuti.
3.   Ipalaman ang pinaghalong mga sangkap sa boneless bangus.
4.   Ibalot ito sa aluminum foil para hindi lumabas ang palaman.
5.   I-ihaw ito sa baga o lutuin sa turbo broiler hanggang sa maluto.   About 30 to 45 minutes.

Ihain na may kasamang pinaghalong calamansi, suka, toyo at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
this is amazing dish. saan po makakabili ng bangus na boneless na?
Dennis said…
Sa mga SM Supermarkets meron. Sa mga palengke din pwede kang magpa-deboned...I think P10 per piece ang bayad.
Anonymous said…
Salamat po sa very inspiring blog. Thank you for making cooking easy...... Salamat............
Dennis said…
Salamat din. Favor lang...kung may time ka..pa-click na din nung mga ADS sa bawat recipe. Malaki maitutulong nito para sa akin. thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy