CHICKEN and HAM STRIPS in CREAMY PUMPKIN SAUCE
Dapat sana chicken laing ang gagawin kong luto sa chicken fillet na nabili ko nitong nakaraang beses na nag-grocery kami. Kaya lang naisip ko baka hindi masyadong magustuhan ito ng aking mga anak dahil sa kulay at yung medyo spicy na lasa. Kaya naisipan kong lagyan na lang ito ng cream at mushroom na parang stroganoff ang dating.
Pero habang nagpe-prepare ako sa pagluluto, nakita ko yung natirang kalabasa at konti pang sweet ham sa aming fridge. Naisipan kong bakit hindi ko na lang ihalo ito sa aking creamy chicken dish para naman ma-free-up na din ang space ng aming fridge. And to my surprise, masrap ang kinalabasan ng dish. Nandoon yung lasa ng mushroom, yung lasa ng ham at yung konting tamis ng kalabasa. Try nyo din po.
CHICKEN and HAM STRIPS in CREAMY PUMPKIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo skinless Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces)
1 small can Sliced Button Mushroom
1 tetra brick All Purpose Cream
100 grams Sweet Ham (cut into strips)
100 grams Kalabasa (cut into cubes)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Butter
Paraan ng paglululuto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
2. Isunod ang chicken thigh fillet at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa masangkutsa. Ilagay ang sabaw ng mushroom at takpan ng mga 5 minutes.
3. Sunod na ilagay ang ham, sliced mushroom, kalabasa at all purpose cream. Haluin muli. Takpna at hayaang maluto ang kalabasa.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments