CHICKEN FILLET STEAK (ala bistek)


May nabili akong chicken thigh fillet nitong nakaraang araw sa SM Supermarket at maganda ang cut at pagka-fillet sa kanya.   Malalaki kasi ang piraso at maganda ang pagkakahiwa.   Dapat sana ala bistek ang luto na gagawin ko dito kaso, naubusan pala kami ng toyo.   Ang ginawa ko na lang, niluto ko ito sa oyster sauce at sa katas ng calamansi.   Nung una hindi ko ma-gets ang lasa, pero nung tumagal masarap pala ang kinalabasan.   Kahit ang mga anak ko ay nagustuhan ang luto kong ito.   Try nyo di po.


CHICKEN FILLET STEAK (ala bistek)

Mga Sangkap:
15 pcs. Chicken Thigh Fillet
8 pcs. Calamansi
4 tbsp. Oyster  Sauce
2 tbsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. large White Onion (cut into rings)
5 cloves minced Garlic
SAlt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
2 tbsp. Butter

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng chicken fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang bawat piraso ng manok sa butter.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, i-prito ang sibuyas at hayaang maluto ng bahagya.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-brown.
5.   Ibalik sa kawali ang manok at ilagay na ang oystersauce at worcestershire sauce.   Lagyan din ng kaunting tubig.   Hayaan ng mga 5 minuto.
6.  Huling ilagay ang katas ng calamansi.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.  Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong sibuyas.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy