CRISPY PORK in SWEET-SOUR-CHILI SAUCE

Para sa akin ang weekend ang pinaka-espesyal na araw sa buong linggo para sa aking pamilya.   Kaya naman hanggat kaya ko ay ginagawa ko itong espesyal hindi lamang sa quality time kundi maging sa pagakaing aking inihahain para sa kanila. 

Kagaya nitong nakaraang Linggo, nagluto ako ng arroz caldo para sa aming almusal at ito namang pork in sweet-sour-chili sauce naman para sa aming hapunan.   Masasabi kong espesyal ang dish na ito dahil sa bukod sa may katagalan lutuin ay talaga ito at pang espesyal na okasyon talaga.  


CRISPY PORK in SWEET-SOUR-CHILI SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut into 1 inch long and 1/2 inch thick)
1 medium size Red Bell pepper (cut into cubes)
1 medium size Green Bell Pepper  (cut into cubes)
1 medium size Carrots (sliced)
1 large White Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 thumb size Ginger (sliced)
1 cup Sweet Chili Sauce
1 cup Tomato Catsup
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
1 pc. Egg (beaten)
1 cup Cornstarch (for breadings)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang hiniwang pork belly sa tubig na may asin hanggang sa lumambot.    Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2.   Ilagay ang binating itlog sa pinalamig na pork belly.   Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng itlog ang bawat piraso ng karne.
3.   Sa isang plastic bag, ilagay ang pork belly, cornstarch and maggie magic sarap.    Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng breadings ang bawat piraso ng karne.
4.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.  Hanguin muna sa isang lalagyan.
5.   Sa parehong kawali, magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika.
6.  Igisa ang luya, bawang at sibuyas.  
7.   Isunod na ding ilagay ang mga gulay, sweet chili sauce, catsup, asin, brown sugar at paminta.  Halu-haluin.
8.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch ang kaunting tubig.    Halu-haluin hanggang sa makuha ang nais at tamang lapot ng sauce.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.   Ihalo sa sauce ang piniritong pork belly.    Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na piraso ng karne.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

 

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy