EASY PATA CALDERETA


May officemate ako na nagtatanong kung papaano daw magluto ng caldereta.   Unang sagot ko, punta lang siya dito sa blog at marami siyang recipes ng caldereta na makikita.   First time lang niya nagaaral na magluto.   Sagot ko pa, madali lang namang magluto nun.   Gamit na lang siya ng caldereta mix.    hehehehe.   Nakakatawa per yun talaga ang ipinayo ko sa kanya..

Maraming choices kung mga sauce mixes ang paguusapan.   Isa na dito itong Mama Sitas (Free advertisement ito ha....hehehe).   Ito ang ginamit ko sa easy caldereta na ito.   Although, gumamit na ako ng ready sauce mixes, ginawa ko pa din yung normal na gisa para mas masarap ang kalabasan.

Also, in this caldereta recipe, pata ng baboy ang aking ginamit.   Masarap din kasi yung may konting taba at buto ang ating caldereta.   Try nyo din po.


EASY PATA CALDERETA

Mga Sangkap:
1 whole Pork Leg o Pata (sliced)
1 tetra pack Caldereta Mix (Mama Sita;s Cadereta Sauce)
1 large Carrot (cut into cubes)
2 pcs. Potato (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.  Ilagay na agad ang pata ng baboy at timplahan ng konting asin at paminta.  Hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay na ang sweet pickle relish at lagyan ng mga 3 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto hanggang lumambot ang pata.
4.   Ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper at caldereta mixes.   Takpang muli at hayaang maluto ang patatas.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy