GINATAANG KALABASA na may LONGANISA
Mahilig din ako sa mga pagkaing may gata lalo na sa mga gulay. Iba kasi yung lasa at linamnam kapag may lahok na ganito ang ating ulam. Kung baga, sabaw pa lang ay ulam na. Malasa kasi eh.
Pangkaraniwan kapag nagluluto ako ng kalabasa, sinasamahan ko ito ng sitaw at gata syempre at kaunting bagoong. But in this recipe, hindi ko na nilagyan ng sitaw at longanisa naman ang aking isinahog sa halip na bagoong. Yung smokey flavor na longanisa ang aking ginamit. Inalis ko lang siya sa casing at sinabay sa pag-gisa. Nakakatuwa kasi ang sarap ng kinalabasan. Naghahalo yung linamnam ng gata at yung smokey flavor ng longanisa. Isama mo pa yung medyo manamis-namis na lasa ng kalabasa. Winner talaga. Tiyak kong mapaparami kayo ng kanin nito. Hehehehehe
GINATAANG KALABASA na may LONGANISA
Mga Sangkap:
500 grams Kalabasa (cut into cubes)
2 cups Kakang Gata
3 pcs. Smokey flavored Longanisa (alisin yung laman sa casing)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (sliced)
2 pcs. Siling Pang-sigang (optional)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bayang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang longanisa at pirat-piratin para maghiwa-hiwalay ang laman.
3. Ilagay na din agad ang kalabasa at siling pang-sigang, halu-haluin at saka lagyan ng 1/2 tasang tubig. Timplahan ng kaunting asin at paminta. Takpan at hayaang maluto ang kalabasa
4. Kung malapit nang maluto ang kalabasa ilagay na ang gata ng niyog.
5. Tikman ang sauce ang i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments