MINATAMIS na SABA with PANDAN FLAVOR GELATIN


Masarap talagang panghimagas itong minatamis na saging na saba.  Lalo na kung lalagyan mo pa ng ginadgad na yelo at gatas, tamang-tama sa malamig man o mainit na panahon.   Pero kung gusto nyong maiba naman, bakit hindi nyo lahukan ng iba pang mga sangkap?   Sa mga previous recipe ko ng minatamis na saging na ito, pansinin nyo na minsan nilagyan ko ng sago.   Minsan naman nilagyan ko din ng gata.   This time nilahukan ko naman ito ng flavored gelatin.   And you know what?  mas sumarap at nagle-layer talaga sa bibig mo yung flavor ng saging at yung lasa ng pandan sa gelatin.   Ang pagkakamali ko lang sa dessert na ito, nailagay ko agad yung gelatin sa minatamis na saging kahit medyo mainit pa ito.  Kaya pansinin nyo yung pict, medyo nalusaw yung gelatin na inihalo.   Hehehehe.   Pero kahit ganun ang nangyari, masarap pa din ito at nagpasarap pa lalo yung pandan flavor sa sauce o arnibal ng dessert na ito.   Try nyo din po.


MINATAMIS na SABA with PANDAN FLAVOR GELATIN

Mga Sangkap:
15 pcs. Saging na Saba (cut into half)
1 sachet Green color Mr. Gulaman
1 tsp. Pandan Essence
Brown Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Lutuin ang gelatin na may pandan essence ayon sa nakalagay sa pakete nito.    Hanguin sa isang square na lalagyan at hayaang lumamig hangang sa mabuo.
2.  Sa isang kaserola pakuluan ang saging na saba sa tamang dami lamang ng tubig hanggang sa maluto.
3.  Sa kalagitnaan ng pagpapakulo sa saging, ilagay ang nais na dami ng asukal.   Takpan muli at hayaang medyo lumapot ang sabaw o arnibal nito.   Kung naluto na, palamigin na ito.
4.   Hiwain ng pa-cubes (bite size) ang gelatin.
5.   Ihalo lamang ang gelatin sa minatamis na saging kung malamig na ito.
6.  I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy