MY SON ANTON'S 2013 FIELD TRIP

Last October 8, nag-field trip ang bunso kong anak na si Anton kasama ang kanyang Mommy Jolly.   Dapat sana ako ang sasama pero ang asawa ko na nga ang aking pinasama komo napuntahan ko na ang mga lugar na pupuntahan at siya ay hindi pa.

Ike-kwento ko na lang ang kanilang pinuntahan base na rin sa kwento ng aking asawang si Jolly at ang aking anak na si Anton.


Maaga silang umalis sa meeting place sa Mandaluyong.   5:30am ang call time and eksaktong 5:50am ay umalis na sila.

First stop nila ay sa Divine Mercy Shrine sa Marilao, Bulacan.   Maraming silang picture sa lugar na ito komo marami talagang makikita dito.   Nakapag-uwi din sila ng Holy water mula sa bukal mula sa imahe ng Mahal na Birhen.

Hindi maikakaila na masaya ang lahat ng mga kasama ng aking anak sa field trip na ito.   Dapat kasi sana ay nung September 24 ito pero na-postpone dahil sa masama ang panahon.

Second stop nila ay sa isang Ice cream factory.   Walang masyadong picture dito dahil bawal kumuha ng pict sa loob.


The diretso na sila sa Subic Zambales sa Ocean Adventure.  Pero bago ang palabas ay nagtanghalian muna sila near Dolphin Lagoon.

Kasama sa package nila yung lunch (see the 1st pict above).   Pork Adobo with Egg na may kasamang bottled ice tea at dessert ang kanilang kinain.   Nag-text pa nga ako sa aking asawa na picture-an ang food para kako dito sa blog.   hehehehe
dennis

Before the Sea Lion, Dolphin at Whale show, dumaan muna sila sa isang place na may aquarium ng mga ibat-ibang uri ng isda.
Enjoy talaga ang lahat sa kanilang mga nakikita.

Lalo na nang magsimula ang dolphin at whale show.

Ang nakakatuwang sea lion show na napaka-intimate dahil malapit lang ang mga ito sa audience.

Kahit napagod ang aking anak na si Anton ay masigla pa rin siya sa karanasan na kanyang nasaksihan.

Syempre, masaya din ang kanyang Mommy Jolly dahil first time niya din na nakapunta dito.

Before sila bumalik ng Manila ay dumaan din silang lahat sa Puregold Duty Free Shop.   Nakabili din ng ilang pasalubong ang aking asawa.

Late na sila naka-uwi back in Manila.  siguro mga 9:30pm na din yun.

Overall, naging masaya, educational at maganda ang fieldtrip nila for this year.  

Thank you to the management and staff of St. Therese Private School of Mandaluyong.


Hanggang sa muli.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy