PINATOLANG MANOK na may MISUA
Isa sa mga paborito kong gulay ang patola. Masarap at malasa ito lalo nayung sariwa o bagong pitas pa lang mula sa baging nito. Masarap na ilahok ito sa mga lutuin may sabaw dahil manamis-namis ito at nagpapasarap talaga sa lasa ng sabaw.
Ewan ko ba ang mga kabataan ngayon kung bakit hindi mahilig sa mga gulay. Sa mga anak ko talagang pinipili pa nila ang gulay na kanilang kinakain. Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako ng mga gulay katulad ng patola na hindi nila madalas nakikita at nakakain.
Nga pala, ang dish na ito ay imbento lamang. Kinuha ko yung idea sa dish na Pinatolang Baka na nabasa ko lang din dito sa net. At para maging mas masarap at katakam-takam pa, nilahukan ko ito ng misua at nilagyan ko ng achuete para magka-kulay. Try nyo din po.
PINATOLANG MANOK na may MISUA
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Drumsticks
2 pcs. Micua Noodles
1 large Patola (sliced)
1 tbsp. Achuete Seeds
5 cloves minced Garlic (pakatasin sa 1/2 tasang tubig)
1 large Onion (Sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplaha ng konting asin at paminta ang bawat piraso ng chicken drumsticks.
2. Sa isang non-stick na kawali i-brown lang ng bahagya ang bawat piraso ng manok sa kaunting mantika.
3. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay na agad ang na-brown na manok at lagyan ng nais na dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
5. Ilagay ang misua, katas ng achuete seeds at timplahan ng maggie magic sarap. Hayaan ng ilang minuto.
6. Huling ilagay ang patola at hayaang muling kumulo hanggang sa maluto ang patola.
7. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis
thanks
Dennis
Thanks Ydyram :)