PINEAPPLE GELATIN
Nabanggit ko na espesyal para sa akin ang weekends komo family day ito at sa araw na ito lang kami nakaka-kain ng sabay-sabay. Kaya naman hanggat maari ay espesyal ang mga inihahain ko.
At kagaya nitong nakaraang linggo naisipan kong gumawa nitong simpleng dessert na ito pero masarap.
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan, ang gelatin ay isa sa mga dessert na inihahanda sa mga espesyal na okasyon. Maraming flavor ang nagagawa nila na may ibat-iba ding kulay. Pangkaraniwan yung kulay pink na may pasas o kaya naman ay mint green na may sahog din buko. Dito sa ginawa ko naman ay nilagyan ko ng canned pineapple. Akala nga ng anak ko ay leche plan ito. Hehehehe. At kagaya ng dati nagustuhan nila ang dessert na ito. Try nyo din.
PINEAPPLE GELATIN
Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (Yellow color)
1 can Pineapple Tidbits
2 cups Pineapple Juice (sweetened)
2 cups Evaporated Milk
3 cups Water
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lagyan ng pineapple tidbits ang mga llanera o hulmahan na gagamitin.
2. Sa isang kaserola o sauce pan magpakulo ng 2 tasang tubig.
3. Sa isang bowl tunawin ang Mr. Gulaman sa 1 tasang tubig.
4. Kapag kumulo na ang tubig, ilagay ang tinunaw na gulaman.
5. Isunod na din ang pineapple juice at asukal. Hintayin kumulo ng bahagya.
6. Huling ilagay ang evaported milk at patuloy na haluin.
7. Tikman at i-adjust ang tamis.
8. Isalin ito sa mga hulmahang nilagyan ng pineapple tidbits
9. Palamigin hanggang sa ma-set.
Ihain na medyo malapig.
Enjoy!!!!
Comments