PORK BISTEK TAGALOG
Isa sa mga paborito kong ulam itong Bistek Tagalog. Kaya lang hindi kami madalas makapag-ulam nito komo may kamahalan ang karne ng baka. Although, iba pa rin talaga kung baka ang gagamitin, pwede din natin lutuin ang ganito gamit ang karne ng baboy. Hindi man kasing sarap kung baka ang gagamitin, pero masarapin na din at malasa din ang sauce.
Madali lang itong lutuin komo pork ang gagamitin. Kahit siguro beginners sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin. Try nyo din at tiyak kong magugustuhan nyo din ito kagaya ko.
PORK BISTEK TAGALOG
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (thinly sliced)
10 pcs. Calamansi
1 head minced Garlic
2 pcs. large White Onion (cut into rings)
1 cup Soy Sauce
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tsp. Ground Black Pepper
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang karne ng baboy. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang onion rings hanggang sa bahagyang malanta o maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod na i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng karne. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Igisa ang bawang hanggang sa mag-brown ng bahagya at ibalik sa kaserola ang na-brown na karneng baboy.
5. Lagyan ng toyo, worcestershire sauce at kaunting tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang katas ng calamansi at timplahan ng maggie magic sarap.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
BTW..are you a Filipino?