TURBO BROILED FISH in BANANA LEAVES
Kapag isda ang aming ulam, dalawang luto lang naman ang madalas na ginagawa ko. Kung hindi prito ay yung may sabaw kagaya ng sinigang o pinesa.
Para maiba naman, naisipan kong lutuin naman sa turbo broiler itong tilapia na aking nabili. Ang problema ko lang sa ganitong luto ay yung pag-dikit ng balat ng isda sa aluminum foil na aking pinambabalot dito.
Dito naisipan na bakit hindi ko balutin muna ng dahon ng saging at saka ko balutin ng aluminum foil? Di ba ganito din yung ginawa ko sa torta para di manikit naman sa kawali sa pagpi-prito? At tama...hindi nga nanikit ang isda at nagkaroon pa ito ng extra flavor dahil sa dahon ng saging. Try nyo din po.
TURBO BROILED FISH in BANANA LEAVES
Mga Sangkap:
4 pcs. Medium to large size Tilapia
5 pcs. Tomatoes (cut into small cubes)
1 large size White Onion (chopped)
1 thumb size Ginger (grated)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Materials:
Aluminum foil
Dahon ng Saging
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang tilapia sa loob at labas na parte nito. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl paghaluin ang kamatis, sibuyas, grated ginger at maggie magic sarap.
3. Ipalaman ito sa bawat piraso ng tilapia at saka balutin ng dahon ng saging at aluminum foil.
4. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 30 minuto.
Ihain na may kasamang sawsawang calamansi na may suka at toyo.
Enjoy!!!
Comments
Dennis