TURBO BROILED PORK BELLY


Isa sa mga paborito kong ulam ang Inihaw na Liempo.   Kaso, hindi ko maluto ito ng madalas komo sa condo nga kami nakatira.   Kaya naman kung natatakaw talaga ako sa ulam na ganito, pina-pan-grill ko na lang ito o kaya naman ay niluluto sa turbo broiler

Sa version kong ito ng inihaw na liempo, hinaluan ko ng peanut butter ang marinade mix na ginawa ko.   Nasa isip ko kasi yung barbeque sa Thailand na may sangkap na ganito.   Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabasan at nagustuhan talaga ng aking pamilya.  Try nyo din po.



TURBO BROILED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly
10 pcs. Calamansi
2 cups Sprite Soda
1 tbsp. Peanut Butter
1/2 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Salt

Paraan ng pagluluto:
1.   Paghaluin ang lahat na mga sangkap sa isang bowl at hayaang ma-marinade ito ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Lutuin ito sa tubo broiler sa pinalamataas na init hanggang sa maluto.    Maari din itong ihawin o i-pan grill kung wala kayong turbo broiler.

Ihain na may kasamang sawsawan na calamansi namay toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy