BANGUS STUFFED with EMBOTIDO


Natatandaan nyo ba yung Pork Embotido na niluto ko nitong nakaraang araw?   Yes.   Panalo ang lasa at sarap ano?

Nung una pa lang na binalak ko na magluto nito, nasa isip ko na gawing palaman din ito sa boneless bangus at pagkatapos ay i-grill o i-broil.   At yun nga ang ginawa ko nitong nakaraang Linggo.

Marami na din akong recipe nitong boneless bangus na ito and I think ang isang ito ang the best sa lasa at sarap.   Bakit naman hindi?  Para na ring rellenong bangus ang nangyari dito.  hehehehe.   Pero siguro kung naghahanap kayo ng fish dish na pwede sa espesyal na okasyon, pwedeng-pwede ito.   Try nyo din po.


BANGUS STUFFED with EMBOTIDO

Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
4 cups. Pork Aloha Embotido mixture (Pleae get the recipe here:  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/11/pork-aloha-embotido.html)
3 pcs. Tomatoes (chopped)
2 pcs. White Onion (chopped)
2 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
Aluminum foil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang boneless bangus.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang embotido mixture, kamatis at sibuyas.
3.   Hatiin ito sa dalawa at ipalaman sa bawat piraso ng bangus.
4.   Balutin ito ng aluminum foil
5.   Lutuin ito sa turbo broiler (pinakamainit na settings) o sa mainit na baga hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang sawsawan na calamansi na may toyo at suka.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy