BIBINGKANG MALAGKIT
Kakanin na masarap na dessert o kaya naman ay pang-meryenda kasama ang mainit na tsaa. Try po ninyo itong ginawa kong Bibingkang Malagkit.
Yes. Noon ko pa gusto gumawa at magluto nito. Pero sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito sa bahay. Hindi kasi ako sure kung papaano at kung ano ang mga sangkap nung toppings na inilalagay. Not until na mabasa ko yung inag recipe dito sa net at sa tulong na din ng aking Tiya Ineng.
Actually, madali lang gawin ito. Simple lang ang mga sangkap pero masarap talaga ang kakalabasan. Nagustuhan ng ng mga anak ko at nag-request na gumawa ulit ako nito. Try nyo din po. Pwede din ito sa nalalapit na Noche Buena sa Pasko.
BIBINGKANG MALAGKIT
Mga Sangkap:
2 cups Malagkit na Bigas
1 cup Long Grain na Bigas
3 cups Kakang Gata g Niyog
1/2 tsp. Salt
Brown Sugar to taste
1 tsp. Ginadgad na balat ng dayap o lemon
Paraan ng pagluluto:
1. Isaing ang malagkit at long grain na bigas. Pareho lang kung papaano kayo mag-saing ng ordinaryong kanin. Ilagay ang 2 cups na kakang gata at tubig pa kung kinakailangan. Ilagay din ang kaunting asin.
2. Sa isang non-stick na kawali, isalin ang isinaing na malagkit at lagyan ng nais na dami ng brown sugar. Halu-haluin ito hanggang sa medyo kumunat na ang kanin.
3. Isalin ito sa baking pan na may sapin na dahon o aluminum foil. Huwag kalimutang lagyan ng kaunting mantikilya o butter ang bottom ang gilid ng pan para hindi dumikit ang kanin.
4. For the toppings: Sa isang sauce pan paghaluin ang 1 cup na gata ng niyog, 2 cups na brown sugar at yung ginadgad na balat ng dayap o lemon. Halu-haluin ito hanggang sa medyo lumapot na ito.
5. Ibuhos ito sa ibabaw ng bibigkang ginagawa at isalang sa oven o turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa medyo magtutong o umitim lang ang ibabaw.
Palamigin sandali bago ihain.
Enjoy!!!!

Comments