CHICKEN BRAISED in PINEAPPLE and LIME

Nitong nakaraang pagdalaw ko sa aming probinsya sa Bocaue Bulacan, napansin ko ang puno ng dayap o lime ng aking tita Melda na hitik sa bunga.  Natatandaan ko noong araw, ang dahon ng dayap na ito ang ginagamit naming pang-flavor kapag gumagawa ng leche plan.   Naisip ko na ayos na ayos ito sa mga lutuin kaya humiling ako sa aking tita kung pwede akong magdala nito sa Manila.   At yun nga ang nangyari at dito nabuo ang chicken dish na ito.

Masarap siya.   Nalalasahan mo yung citrus flavor ng dayap at nagpasap pa lalo nung inihalo sa pinya.   Ayos na ayos ito na toppings sa mainit na kanin.   Try nyo din po.


CHICKEN BRAISED in PINEAPPLE and LIME (DAYAP)

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 medium size can Pineapple Chunk
1 pc. Dayap o Lime
1 thumb size Ginger (grated)
2 tbsp. Pure Honey Bee
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Soy Sauce
Salt and pepper to taste

Paaraan ng pagluluto:
1.  Sa marinate ang manok sa sabaw ng canned pineapple, katas ng dayap o lime, ginadgad na balat ng dayap, asin at paminta ng mga 1 oras.   Overnight mas mainam.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at ginadgad na luya sa mantika.
3.   Ilagay na agad ang minarinade na manok kasama ang pinagbabaran nito.
4.   Ilagay na din ang toyo at brown sugar.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa kumonti na lang ang sauce.
5.   Huling ilagay ang honey bee.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy