CHICKEN, MUNG BEANS and WANSUY SPRING ROLL

Ang lumpiang shanghai ang isang ulam na masasabing kong matipid sa budget.   Bakit naman hindi?   Kahit half kilo lang ng pork o kung ano mang pang-laman ang iyong gagamitin ay marami na din ang magagawa mong lumpia.

Pero sa dish na ito importante na ang ihahalo mong iba pang sangkap ay yung malasa.   Otherwise, hindi masarap ang kakalabasan ng inyong lumpia.   Ang mga sangkap na pwede nating ilagay pa ay katulad ng red bell pepper, kinchay, smoked tinapa o bacon, cheese syempre at iba pang herbs o spices.

Sa version kong ito ng lumpiang shanghai, ground chicken ang ginamit ko.  Alam naman natin na hindi gaanong malasa ang laman ng manok kaya naman hinaluan ko pa ito ng cheese, mung beans at wansuy.   Masarap naman ang kinalabasan.   Try nyo din po.


CHICKEN, MUNG BEANS and WANSUY SPRING ROLL

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Chicken o Pork
1 cup grated Cheese
2 cups Mung Beans o Toge na pasibol pa lang.
1/2 cup chopped Wansuy
1 large chopped Onion
1 pc. Fresh Egg (beaten)
35 pcs. Lumpia Wrapper
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1.   Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang bowl maliban sa lumpia wrapper.   Haluing mabuti.
2.   Balutin ang pinaghalong mga sangkap sa lumpia wrapper sa nais na laki.   Idikit ang dulo gamit ang binating itlog o tinunaw na cornstarch o harina.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet chili sauce

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy