CRISPY PUSIT (Calamares)
Noon pa nire-request ng pangalawa kong anak na si James na magluto daw ako ng calamares. Nitong nakaraang Sabado ko lang napagbigyan ang kanyang hiling.
Pangkaraniwang calamares na nakikita natin ay yung hiniwa na pa-ring ang pusit. Pero dito sa niluto ko, buong pusit at hindi ko na hiniwa. Hindi kasi kalakihan ang pusit na nabili ko. Kaya mapapansin nyo sa pict na ito na parang hindi ito pusit. hehehehe.
Pero ganun pa man, nagustuhan ito ng aking mga anak at humihiling na magluto ulit ako nito sa darating pang mga araw. Hehehehe. Nakakatuwa naman di ba? Kahit nakakapagod itong lutuin pero kung positive feedback naman ang iyong maririnig ay okay na din.
CRISPY PUSIT (Calamares)
Mga Sangkap:
1 kilo medium size Pusit (linising mabuti)
3 cups Harina
3 cups Japanese Bread crumbs
2 pcs. Eggs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
Pararaan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang pusit. Alisin yung parang plastic sa loob at tuyuin gamit ang paper towel.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang 2 cups na harina, 2 itlog at kaunting tubig na malamig. Timplahan din ng asin, paminta at maggie magic sarap. Batihin itong mabuti hanggang sa makagawa ng batter.
3. Ilagay sa isang plastic bag ang mga pusit at ang 1 tasang harina. Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng harina ang bawat piraso ng pusit.
4. Magpakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 2 inches ang lalim ng mantika mula sa bottom ng kawali.
5. Ilubog sa ginawang batter ang pusit na may harina at saka igulong naman sa japanese breadcrumbs at saka ihulog sa kumukulong mantika. Lutuin ito hanggang sa maging golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang suka na may bawang, sibuyas, asin at paminta.
Enjoy!!!

Comments