ESTOFADO ala LINA


Estofado simply mean stew.   Kaya kung mag-che-check kayo ng recipes para sa estofado, iba-iba ang makukuha nating results.   Pwedeng may beef o kaya naman ay pork at chicken.  Pero ang napansin kong common sa mga recipe nito ay ang paglalagay ng mga herbs at spices.

Kagaya nitong beef estofado na ito na nakalakihan kong niluluto ng aking Inang Lina lalo na kapag sumaapit ang Undas.   Pwede din siguro itong pang-ulam pero pangkaraniwan sa amin ay kinakain ito kasama ang pandesal o monay.

Ilang araw bago mag-undas, umuwi kami ng aking pamilya sa Bulacan para bomoto sa barangay election at dumalaw na din sa aking namayapang ina.   Nahiling ko sa aking kapatid na si Ate Mary Ann na magluto nga nitong estofado.   At ito nga ang kanyang niluto.  Pina-kwento ko na lang sa kanya kung papaano ito niluto at ang mga sangkap na ginamit.   Sa maraming beses na nagluto nito ang aking Ate Ann, masasabi kong ang isang ito ang malapit na malapit sa luto ng aking Inang Lina.   Masarap talaga.


ESTOFADO ala LINA

Mga Sangkap:
1.5 kilos Mukha ng Baka (cut ito serving pieces)
3 pcs. Star Anise
a bunch of Dried Oregano
Cinamon Bark
1 cup Peanut Butter
8 pcs. Saging na Saba
4 pcc Kamote (cut into cubes)
1/2 cup Peanut
Brown Sugar to taste
1 head minced Garlic
2 pcs. Onion (sliced)
2 tbsp. Achuete Seeds
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Ilaga ang mukha  ng baka na may asin hanggang sa lumambot.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3.  Isunod na agad ang nilagang bukha ng baka kasama ang sabaw na pinagpakuluan nito.
4.  Ilagay na din ang katas ng achuete, star anise, cinamon bark at dried oregano.   Takpan at hayaang lumaa ang mga herbs at spices.
5.  Sunod na ilagay ang saging na saba, kamote, brown sugar, peanut butter at mani.    Hayaang kumulo sa mahinang apoy hanggang sa maluto ang kamote at saba.
6.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa na may kasamang pandesal o monay.

Enjoy!!!!

Note:  Pwede ding ulo ng baboy ang gamitin sa dish na ito.   Ang tamang lasa nito ay manamis-namis.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy