NILAGANG BAKA with SHELL MACARONI


Alam ko namang ang nilagang baka o anumang ulam na nilaga ang pinaka-madaling soup dish na lutuin.   ang gagawin mo lang ay pakuluan ang mga sangkap, timplahan ng asin, paminta at iba pag pampalasa at presto may nilaga dish ka na.

Pero papaano kung limitado an budget at may kamahalan ang ulam na ilalaga kagaya ng baka?   Papaano natin mapagkakasya ang ulam na ito?   Pwede dagsdagan na lang natin ang gulay at sabaw.   Pwede din...lagyan natin ng macaroni pasta.   With this, nadadagdagan yung laman sa ating nilaga.   At tiyak kong kahit sabaw lang at ito ay mabubusog na din tayo.


NILAGANG BAKA with SHELL MACARONI

Mga Sangkap:
1 kilo Karne ng Baka (cut into cubes)
2 cups Shell macaroni
Pechay
Repolyo
Patatas
2 pcs. Onion (quartered)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang karne ng baka sa isang kaserolang may tubig at asin.
2.   Kung malambot na ang karne, ilagay naman ang shell macaroni, patatas at hiniwang sibuyas
3.   Kung luto na ang macaroni at medyo umalsa na ito, ilagay na ang pechay at repolyo.   Hayaan lang kumulo hanggang sa maluto an gulay.
4.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy