PAGHAHANDA sa PASKO
Papalapit na talaga ang Pasko. Mapapansin natin ang mga Christmas display at decorations sa mga malls at maging sa maraming tahanan. Yung iba nga pagpatak pa lang ng buwan ng Septyembre ay naglalagay na sila ng palamuting pamasko. Ako ginagawa ko naman ito tuwing makatapos ang Undas o araw ng mga patay.
Inumpisahan namin sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo. Ayaw pa nga niya magpalagay ng decor kasi nga mahihirapan daw siya pagliligpit naman. Pero napitlit din namin dahil sabi namin once a year lang naman tayo nagdiriwang ng kapaskuhan.
Nitong nakaraang linggo naman ako naglagay sa aming tahanan dito sa Manila. Same decor lang naman din ang ginamit ko pero binago ko ang ayos at gamit. May nahiram din kami ng extra Christmas tree decor sa Batangas kaya yun ang mga pinaglalagay ko. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa ang aki g ginawa.
Ang gandang tingnan ng ilaw sa Christmas tree at ang mga makikinang na palamuti. Pero ang napansin ko lang, bakit parang bibihira na ang naglalagay ng Belen sa kanilang mga tahanan. Pangkaraniwan ay mga Santa Claus at Christmas tree ang ating nakikita.
Nakakalimutan na ba natin ang tunay na pinagmulan ng pasko? Na ang unang pasko ay yung gabi kung saan isinilang ang manunubos? Na ang pasko ay ang kapanganakan ni Hesus na ating Panginoon?
Sana naman ay hindi ang palamuti o panlabas na paghahanda ang ating gawin para sa nalalapit na kapaskuhan. Marapat lang sigurong ihanda din natin ang ating sarili sa pagdating ng dakilang araw. marapat lang sigurong itaas natin kung sino ba talaga ang dapat na bida sa kapaskuhan. Ito ay ang may karawan. Si Hesus.
At bilang regalo sa kanyang kaarawan, marapat sigurong tumulong tayo sa mga nangangailangan lalo na ang mga biktima ng kalamidad lalo na ang biktima ng bagyong Yolanda.
Dalangin ko na sana ay maging makabuluhan ang pagdiriwang natin ng Kapaskuhang darating.
Amen
Comments