PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET

Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng pancit miki.   Noong araw kasi madalas magluto nito ang aking Inang Lina na nilalahukan din niya ng patola.   Madalas magluto nito ang aking Inang komo matipid itong pangulam at nakakapagparami ang miki sa karne o manok na inilalagay.  

Masarap ang pancit miki na pang-ulam o pang-meryenda man.   Mainam na pigaan muna ito ng calamansi bago kainin.  Pwedeng-pwede ito sa kanin o sa tinapay man.

Try nyo din po.



PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET

Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken Thigh Fillet
1/2 kilo Fresh Miki Noodles
1/2 cup Oyster Sauce
1/4 cup Soy Sauce
1 medium size Carrot (cut into strips)
100 grams Baguio Beans (cut itno 1 inch long)
100 grams Repolyo (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (Sliced)
2 tangkak Leeks (chopped)
1 tsp. Cornstarch

1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.  Isunod na agad ang chicken thigh fillet at timplahan ng asin at paminta.     Halu-haluin hanggang sa mawala an pagka-pink ng karne ng manok.
3.   Lagyan ng 1 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto ang manok.
4.   Ilagay na ang carrots at Baguio beans.   Ilagay na din ang  miki, oyster sauce at toyo.  Maaaring lagyan pa ng tubig o broth kung kinakailangan.
5.   Timplahan ng maggie magic sarap at tikman kung ok na ang sauce.   I-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang repolyo, leeks at tinunaw na cornstarch.   Halu-haluin.

Pwdeng lagyan ng hardboiled eggs sa ibaba at ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.

Enjoy!!!!


Comments

Philippine Food said…
PANCIT MIKI is one of my favorite food :) thanks..
Dennis said…
Thanks Philippine Food. May food blog ka din ba?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy