PORK ALOHA EMBOTIDO

Una, pasensya na sa picture nitong dish entry ko for today.   Actually, dito sa office ko kinuhanan yan at yan ang baon ko for today.   Hehehehe

Naisipan kong magluto nitong embotido una dahil nadismaya ako sa nabili namin sa Batangas nung umuwi kami nung Undas.   Naawa lang talaga ak sa nagtitinda kaya kami bumili pero hindi talaga masarap ang tinda niya.   Pangalawa, papalapit na ang Pasko at sa palagay ko ay pwedeng-pwede itong idagdag natin para sa ating Noche Buena.

Unang beses ko pa lang nasubukan ang recipe na ito.   Hindi ko alam kung may ganitong version kaya pinangalanan ko na lang itong Pork Aloha Embotido.   May kasama kasi itong crushed pineapple kaya yun ang tinawag ko.   Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero masarap talaga ang version kong ito ng embotido.  try nyo din po.


PORK ALOHA EMBOTIDO

Mga Sangkap:
1 kilo Ground Lean Pork
12 pcs. Vienna Sausages
1 medium can Crushed Pineapple
1 large Carrot (grated)
3 pcs.Fresh Eggs
3 cups Japanese Breadcrumbs
2 pcs. large White Onion (finely chopped)
1 tsp. Ground White or Black Pepper
Salt to Taste
Sesame Oil
Aluminum Foil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa aluminum foil, vienna sausages at Sesame Oil.   Maaring mag-steam o mag-prito ng kaunti para matikman kung ok na sa ino ang timpla.
2.   Maglatag ng aluminum foil.   Maglagay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap, lagyan sa gitna ng 2 o 3 piraso ng vienna sausage at saka ihanda para i-roll.   Make sure sa siksik at mahigpit ang pagkaka-roll para buo ito pag naluto at pag hiniwa.
3.  I-steam ito ng mga 45 minuto o higit pa.
4.   Palamigin muna bago bahagyang i-prito at saka i-slice.

Ihain na may kasamang acharang papaya o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir, isa sa favorite ko ang embutido. At what point ko pa idadagdag ang sesame oil? Thank you.....Mommy Marie
Dennis said…
I-brush mo lang sa aluminum foil para hindi dumikit yung laman. Nakakadagdag din ng flavor ang sesame oil sa kabuuan ng dish.

Thanks Mommy Marie :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy