ANG TUNAY NA BIDA NG PASKO: SI HESUS


Ilang tulog na lang at Pasko na.   Alam ko lahat ay abala na sa paghahanda sa pinakahihintay nating araw.  Ang nakakalungkot lang, parang nagiging komersyal na ang pagdiriwang natin nito.   Parang naka-pokus na lang tayo sa mga materyal na bagay kagaya ng damit na ating isusuot, pagkain na kakainin para sa noche buena at ang mga regalo na ibibigay natin sa mga inaanak at mga kaibiagn.   Kahit nga sa mga dekorasyon na inilalagay ay nawawala na kung bakit nga ba may Pasko.

Sana huwag nating kalimutan ang tunay na dahilan kung bakit ba may Pasko.   Alalahanin natin ang naganap sa unang pasko kung saan isang sanggol ay isinilang sa isang hamak na sabsaban o pakainan ng mga hayop.

Si Hesus.  Siya ang tunay na bida ng kapaskuhan.   Huwag sanang mabaling lang sa mga materyal na bagay ang ating pagdiriwang.  Kundi, pagmamahalan, pagbibigayan at pagtulong sa kapwa ang ating gawin.   Ito marahil ang pinaka-magandang regalo na maiaalay natin sa Kanya.

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy